Pilipino, makapagsarili,
pero makapamilya.
Masipag, pero hindi buo.
Saan ba patungo tayong mga Pilipino?
Pagsariwa ko sa buhay nating mga Pilipino bilang OFW o Overseas Filipino Worker, ay nasa pananaw na maituturing kong bayani ang mga OFW. Isang Pilipino, na iniisip na iangat ang sinusuportahang pamilya sa pamamagitan ng pera, pero pag kulang pa rin ito, nababaon din tayo sa mga utang na minsan mabigat sa bulsa.
Nakapanlulumo na realidad ay, ibang lahi, ang tingin sa atin na tayo ay Sick Man of Asia. Panahon na para isaayos natin ang bansa natin, na hindi tayo magpapakaalipin sa lahat ng lahi. Hanap natin ay makapagtrabaho tayo sa ibang bansa. pero ang resulta nito ay pagkasira ng koneksiyon natin sa ating mga pamilya, at mga mahal natin sa buhay.
Hindi madali na maisasaayos natin, kasi kalangan matulungan natin ang mga kababayan natin na mga pulis, streetsweeper, tambay sa kanto, mga kamag-anak natin, streetchildren, at lahat tayo na nasa bansang Pilipinas. Kung ating maiaayos rin ang ating mga pag-uugali, matanggal na ang ang ating colonial mentality, crab mentality, at mauna ang ating pagkakaisa na may pagkakaintindi sa sitwasyon natin ngayon, siguro mas bibilis ang proseso natin, na tayo ay uunlad.
Kung makakamtan natin ito, hindi na tayo marahil dadaan pa sa butas ng karayom na paraan para mabuhay ang ating mga pamilya.

No comments:
Post a Comment