Pages

Monday, 14 November 2011

Dumating Ang Araw

Dumarating na ang araw,
magpapabago sa mga pananaw natin,
mga dating naglalakad sa dilim,
ngayon, pasanin na ang dala.

Nangangarap tayo maglakbay sa paraiso,
kasama ang diyos.
Mahirap man ang lakbayin,
lahat nito ay makakamtan natin.

Tayo, ngayon nangangarap ring lumipad,
sa kalawakan na nagniningning.
Dumating na ang araw natin,
naniniwala tayo na hindi tayo mawawala sa panahon.

Nakatadhana, nakatadhana,
na ito ang panahon natin.
Panahon ng ating pagusbong.

No comments:

Post a Comment