Kalahi, Kaibigan
Dumadaan na muli,
ang kinagisnan nating mga pilipino.
natatandaan mo pa ba kaibigan,
lumaki tayo sa iisang bansa?
Bata pa lamang tayo noon,
sabay na lumaki ring magkasama
wala pa noon, nakahandang plano
ano nga ba kung tayo,
sumibol na sa panahon?
Tayo ay lumipad tulad ng agila,
gamitin natin, abilidad sa pagtuklas
dahil rito, kasaysayan ay muli lalabas.
Panatilihin natin ang pagtutulungan
walang maiiwan,
anumang kulay ang nangingibabaw,
hindi ang aspetong ito ang mahalaga.
kalahi, at kaibigan,
patunayan natin,
na pagtayo ay sama-sama,
dilim ay magliliwanag.
Wag ka na magtataka,
kung isang araw ay,
nakikita mo lahat ng bagay,
meron tayo natutulong.
Kaya ngayon palang,
magsimula na tayo.
higit ka sa pagiging kaibigan,
kaibigan, kalahi
simula pa lamang ito.
Marami ang aasikasuhin,
di bale, di naman tayo lamang.
Marami pang magtutuklas rin,
kung gaano kaganda,
Pilipinas panahon mo na
No comments:
Post a Comment