Musika, masarap mapakinggan,
Musika nagpapadala ng damdamin,
upang makagawa ng kanta.
Ako ay minsan kumakanta at minsan sumasayaw na rin. Nahiligan kong gawin ito noong ako ay siyam na taong gulang pa lamang, at taon iyon ng 2001. Palaging nasa videoke kami pag may family gathering, o kaya birthday. Nagenjoy ako kumanta noon ng themesong ng Titanic "Life Will Go On". Ito ang nagpasimula sa akin na pilitin abutin ang matataas na tono ng kanta.
Ang kahalagahan ng musika, ay nakakalabas ito ng damdamin. Sa pagtutula, Kundiman, at iba pang klase ng kanta. Therapy na rin ito sa mga taong may karamdaman, lalo na pag galit ka sa mga tao, pati na rin pag masaya ka.
Minsan nga nagdadala ito ng ginhawa, kasi para maiwasan ang mastressed mula sa mga problema sa buhay. Tila nagbabago na rin ang musika at mas lalo pa itong pinapahusayang ritmo sa lahat ng parte ng musika. Kung wala ang musika sa buhay ng lahat ng tao, wala na mangyayaring makakapaggawa ng mga kanta, at pag nawala ang musika, wala na makakapagsulat ng musika.
Hindi na gagana ang mga instrumento, malungkot na rin ang mga tao sa mundo pag wala ang musika. Alam ko na hindi matatapos ang bawat araw ng sinuman na hindi makakapagkinig ng musika. Maipapatuloy ng sinumang tao, ang pagtuklas sa abilidad niya sa larangan ng sining, pagsasayaw, at pagkakanta.
No comments:
Post a Comment